Sanya, todo-bantay daw… JAK AT BARBIE, 'DI PUWEDENG MAGTABI SA KUWARTO SA JAPAN

Nitz Miralles / BIDA

SA Japan magbabakasyon sa Holy Week ang magdyowang sina Jak Roberto at Barbie Forteza. Galing ang tsikang ito sa kapatid ni Jak na si Sanya Lopez. Inunahan ni Sanya sina Barbie at Jak na ibalita ang plano nilang Japan trip dahil nang ma-interview si Sanya sa pictorial para sa Dahil sa Pag-ibig, nabanggit na pupunta sila sa Japan.
Yes, nothing to worry ang mga fans ni Barbie dahil kasama nila ni Jak sa Japan si Sanya at siguradong sina Sanya at Barbie ang roommates at solo si Jak sa room nito o kung may kasama pa silang lalaki.
Hindi ito ang first time na magta-travel ang mga bida ng Kara Mia sa ibang bansa dahil nag-out of the country trip na rin sila noon at kasama rin si Sanya. Kaya kahit hindi kasama ang parents ni Barbie, nasa mabuting kamay pa rin ang aktres.
Ang naalala namin, nabanggit ni Jak na part ng talent fee niya sa Kara Mia ay iniipon niya dahil balak nila ni Barbie na lumipad pa-Chicago sa December para bisitahin ang sister ng aktres at ang husband nito.
Anyway, mas nagiging exciting ang story ng Kara Mia ngayong nalaman na ni Arthur (John Estrada) na ginayuma lang siya ni Julia (Glydel Mercado). Nalaman na rin ni Aya (Carmina Villaroel) na engkanto si Wally (Mike Tan) at siya rin si Iswal.





Comments