Newest face ng Ever Bilena, kilalanin!
- Thea Janica Teh
- Apr 12, 2019
- 1 min read
Bulgarific

HELLO, Bulgarians! Ipinakilala kamakailan ang newest face ng Ever Bilena Beauty na talaga namang inabangan nating lahat!
Isang mother/actress/ endorser/BS Psychology student at acupuncture detoxification specialist, lahat ay nasa kanya na, wala ng hahanapin pang iba! Si Ms. Jodi Sta. Maria na perfect maging celebrity endorser ng Ever Bilena dahil siya ay kumakatawan sa lahat ng babaeng nagnanais ma-achieve ang natatanging ganda ng isang Pilipina!
Sabi nga ni Ms. Jodi, hindi naman kailangang palaging makapal ang make-up o palaging naka-make-up, ito lamang ang instrumento para mas lalong lumabas ang kani-kanyang ganda! Congratulations, Ms. Jodi and welcome to the Ever Bilena family!
♥♥♥
For event invitations, please, email bulgarific@ gmail.com or PM us on our Facebook page.
Got to go! It’s so Bulgarific!
xoxo





Comments