LETRAN, MABANGIS SA D-LEAGUE; POLIQUIT, MARATHON KING, YUMAO


ANG dating walang bahid na record ng Ironcon-University of Santo Tomas ay dinungisan ng Petron-Letran matapos nilang payukurin ang Tigers, 114-101, kahapon sa 2019 PBA D-League sa Ynares Sports Arena sa Pasig.
Pinangunahan ni Alvin Pasaol ang laban para sa Knights sa 3:12 ng laro kung saan itinala niya ang walo sa final 16 puntos ng koponan.
Nagtapos si Pasaol na may 27 puntos at 8 rebounds kasunod ng leading scorer na si Jerrick Balanza na may season-high 34 puntos. “Sabi nga namin before the game, we joined this league to beat these kinds of teams, lalo na yung mga wala pang talo. At least this game, naipakita nila na kaya nila mag-bounce back,” wika ni coach Bonnie Tan matapos nilang makabawi sa nakaraang kabiguan sa kamay ng Cignal-Ateneo.
Bunga ng naturang panalo, umangat ang Petron-Letran sa barahang 4-2, panalo-talo sa Aspirants Group habang bumaba ang UST sa 4-1 na marka. Namuno si Beninese forward Soulemane Chabi Yo para sa Growling Tigers sa ipinosteng 25 puntos, 11 rebounds, 4 assists at 3 blocks kasunod si Brent Paraiso na may 17 puntos at Marvin Lee na may 15 puntos at 10 rebounds. Mga laro sa Lunes: JCSGO Gym, Cubao 1 p.m. - AMA Online Education vs Batangas-EAC: 3 p.m. - Go for Gold vs Che’Lu Bar and Grill.
Samantala, sino ang magiging kinatawan ngayon ng bansa sa long distance marathon matapos yumao ni 42-km Milo Marathon King Rafael Poliquit.
Ang pagyao ng 30-anyos na si Poliquit ay kinumpirma ni SEA Games gold medalist Mary Joy Tabal sa isang facebook page ng Philippine Sports Corner, Palakasan ATBP, kahapon, kung saan ang Army-trained na si Poliquit ay pumanaw dahil sa sakit na meningitis.
Si Airman Second Class Poliquit ang defending Milo Marathon Champion at team member ng National Track and Field, 3-time Milo Marathon Champ (2014, 2015, 2018) ay kakatawanin sana ang bansa sa marathon event ng 2019 SEA Games sa Subic, kasama si Tabal.
Naorasan si Poliquit ng 2 hours, 28 minutes at 47 seconds (personal best) para angkinin ang ikatlong marathon trophy sa 2018 National Finals noong Disyembre sa Laoag, City, Ilocos Norte. (VA/MC)





Comments