top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Kandidatong madaling lapitan, mahirap hanapin, ‘wag iboto!

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 12, 2019
1 min read

HINDI pa rin maiwasan ang ‘madugong halalan’. May napapatay pa ring kandidato at nadadamay na tagasuporta.

Pilit na dinidiktahan ang eleksiyong ipinaiiral sana ay demokrasya. May pinapatay na sangkot sa iligal na gawain, mayroon ding gusto lang sanang makapaglingkod nang tapat.

Patunay na hindi lang pera ang puhunan kundi pati buhay.

‘Ika nga nila, kung papasok sa mundo ng politika, handa ka ring mamatay. Hindi mo kilala kung sino ang kakampi mo o kaaway. Minsan, kahit anong buti mo, bukod sa mayroon pa ring masasabi laban sa‘yo, pilit ka ring pababagsakin.

Ito ang katotohanan sa politika na kung sino ang karapat-dapat, sila pa ang hindi nabibigyan ng pagkakataon.

Gayunman, huwag tayong mawalan ng pag-asa. Hindi man maging perpekto ang mga nagpapalakad sa ating gobyerno, mabawasan man lang ang mga pasaway.

Marami na ang mulat sa katotohanan.

Hindi na uubra ang mga mapagpanggap. Silang mga madaling lapitan, pero mahirap hanapin. Nang nangangampanya pa, lahat ng lamay pinupuntahan, pero matapos manalo, daig pa ng patay at hindi man lang nagpaparamdam!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page