top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Kahit na sino, maloloka, 'di ba? AKTOR, IPINAGKALAT SA IG NA MAY BAGONG SERYE, BIGLANG TSUGI NA

Nitz Miralles
Apr 12, 2019
1 min read

BLIND ITEM:

HINDI na nga kasama sa cast ng isang bagong teleserye ang aktor na kasama sa original cast. Wala ang aktor sa pictorial at wala rin siya sa TV plug ng teleserye. Nagsimula nang mag-taping ang cast na wala ang aktor.

Sinubukan naming magtanong kung bakit biglang napalitan ang aktor gayung present siya sa storycon at napanood pa namin ang IG story nito na masayang ibinalita na may bago siyang teleserye. Kaya nagulat na lang kami nang mala­mang out na siya sa cast at pinalitan.

Hindi malinaw kung ang aktor ang nag-back-out sa project o inalis siya ng management. Saka, ano ang dahilan at bakit siya pinalitan? May kinalaman ba ang non-showbiz GF ng aktor sa desis­yon nitong mag-back out sa project?

Sayang dahil ang teleserye na sana ang magiging daan para bumalik ang love team ng aktor at ng leading lady ng tele­serye na minsan na rin niyang naging ka-love team, pero pinutol niya ang tambalan nila nang i-unfollow niya ito sa social media.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page