'Di raw takot mawalan ng teleserye… HIRIT NI JERICHO: MARAMI AKONG ENDORSEMENTS
- BULGAR

- Apr 12, 2019
- 2 min read

GINULAT ni Jericho Rosales ang entertainment press kahapon nang ianunsiyo niya sa finale presscon ng Halik na titigil na raw siya sa paggawa ng soap operas pagkatapos ng nasabing teleserye.
Inanunsiyo ito ni Echo nang matanong siya kung ano na ang plano niya pagkatapos ng Halik na 8 months din talaga nilang binuno, pinaghirapan, pinagpuyatan at ibinigay ang lahat ng makakaya to the point na nagkasakit pa nga ang aktor.
“I’ve been working on soap operas or TV shows for 23 years now. It’s actually a good question na hindi ako prepared to answer right now but I have a clear answer in my head. I don’t wanna do soaps anymore,” ang simula niya.
“Is that a problem for me? No. Do I wanna stop TV? No. It’s the time for me to challenge myself to create something new for myself. And hopefully it works,” patuloy pa ng aktor.
Senyales na nga raw marahil ang tanong na ito sa kanya para maipangako niya rin sa sarili na talagang ga-graduate na siya sa soap operas.
“But a different kind of TV show? Why not? It’s a world now of digital. We don’t know where things are going. It’s a season where each and every actor can create, can direct, can produce, can write and one of the very few that actually offered me that is Ruel Bayani,” saad pa ni Echo.
Wala pa namang specific na plano ang aktor kung ano talaga ang uunahin niyang gawin pagkatapos ng serye, pero sa ngayon, aniya ay he needs to take a break.
“I have to take a break, I have to make more movies, and then come up with another TV show of a different kind para may maiba.
“But will I say goodbye to the fans? No. Will I say goodbye to the one I love most — acting? No. I just want to create something new and I want to challenge myself.
“If it doesn’t work, it’s my fault. I am backed-up with many endorsements and they’re all saying that ‘Jericho, we do not mind if you wanna do your own thing,’” sey niya.
Titingnan pa raw niya kung saan siya dadalhin ng kapalaran for the next 20 years, pero sa ngayon, isa rin daw sa mga plano niya ay balikan ang pagkanta na isa rin sa mga passion niya.
Samantala, huling dalawang linggo na ng Halik na talaga namang naging napakainit ng pagtanggap ng mga manonood. Isa ito sa most talked-about teleseryes in 2018 at halos gabi-gabi ay trending sa social media ang episode.
Dito rin nakaranas ang mga bida na sina Echo, Sam Milby, Yam Concepcion at Yen Santos ng katakut-takot na reaksiyon especially Sam and Yam na gumaganap na Ace and Jade respectively dahil sa kanilang panloloko sa kani-kanilang asawang sina Lino and Jacky na ginagampanan naman nina Echo and Yen.
Bukod sa most-watched show din sa iWant ang Halik, umabot na rin sa Africa ang kuwento nina Lino, Jade, Jacky at Ace dahil napapanood na rin ang serye sa Tanzania mula noong Pebrero.





Comments