top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

UST, SAN BEDA, MAGPAPATIBAY NG KARTADA SA PBA D-LEAGUE

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 11, 2019
1 min read

PANATILIHING walang dungis ang kanilang kartada upang tumibay sa pamumuno sa kanilang grupo ang tatangkain ng University of Santo Tomas sa pagtutuos nila ng Petron-Letran ngayong hapon sa pagpapatuloy ng 2019 PBA D-League sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Magbubuhat sa tatlong linggong pagkabakante ang Growling Tigers matapos gapiin ang Go for Gold-CSB, 94-82, noong Marso 19 para sa ika-4 na sunod nilang panalo. Ngunit walang inaksayang panahon si coach Aldin Ayo para panatilihing palaban ang kanyang mga manlalaro.

Para kay Ayo, hindi puwedeng balewalain ang banta ng Petron-Letran. “Kilala ko itong Letran. Malakas na team din sila kaya kailangan talaga namin silang paghandaan.”Magtutunggali ang Tigers at ang Knights sa unang laro ganap na alas-12:00 ng tanghali.

Inaasahang muling mamumuno sina rookie sensation Mark Nonoy at mga kapwa newcomers Rhenz Abando at Beninese forward Soulemane Chabi Yo sa tangkang pagsungkit ng Growling Tigers ng ikalimang sunod nilang panalo. Sa kampo naman ng Knights, magkukumahog naman silang bumangon mula sa natamong 64-83 paggapi nila sa Cignal-Ateneo noong Huwebes. Umaasa si Petron-Letran coach Bonnie Tan na mag-i-step-up ang kanyang mga players sa pangunguna nina Alvin Pasaol, Jerrick Balanza, at Larry Muyang upang tumaas sa 3-2 marka.

Sa iba pang mga laro, maghaharap ang mga Foundation Group squads na league top defensive team Metropac-San Beda (4-1) kontra winless pa ring SMDC-NU (0-4) ganap na 2 p.m. na susundan ng tapatan ng Chadao-FEU (2-3) at University of Perpetual (1-3) ganap na ika-4:00 ng hapon. (VA)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page