Padir ng anak, sopla na naman... HIRIT NI SHARON: KC, MUKHA LANG ANG MINANA KAY GABBY
- BULGAR

- Apr 11, 2019
- 1 min read

PINAGPISTAHAN naman ng mga Sharon Cuneta-Gabby Concepcion fans ang recent Instagram post ni Megastar ilang araw na ang nakararaan ng picture nila ng anak na si KC Concepcion.
Mababasa kasi sa caption ni Mega sa naturang post: “The VERY BEST PROJECT/PRODUCTION of Sharon & Gabby. She got her Pa’s perfectly handsome face, and most everything else from Ma. @itskcconcepcion”
Umapela ang ilang solid fans ni Gabo sa sinabi ni Sharon na ‘ganda lang ng mukha’ ang minana ni KC sa kanyang papa at the rest ay kay Shawie na.
Hindi man daw nakasama nang matagal ni Gabby si KC, masasabing ang talent sa pag-arte ng panganay ni Sharon ay nakuha rin niya sa kanyang biological dad na magaling umarte.
Samantala, may nagtanong kay Sharon kung bati na ba sila ngayon ng kanyang ex-husband.
Kung matatandaan, nagkatampuhan na naman ang dating mag-asawa matapos magsama sa isang fastfood chain commercial.
Ang tanging naisagot lang ng singer-actress, “No pa nga, eh. Hayaan na natin. Buti na ganito.”
Ano kaya’ng masasabi ni Gabo rito?





Comments