top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Misis patay sa sakal ng mister

Pabs Hernandez III
Apr 11, 2019
1 min read

CEBU CITY—Isang misis ang pinatay sa sakal ng kanyang mister, kamakalawa sa Bgy. Sapangdaku sa lungsod na ito.

Ang biktima ay kinilalang si Calixta Roble, samantalang, ang suspek ay ang mister nitong si Leonides, kapwa residente sa nasabing lungsod.

Ayon sa ulat, nagkaroon ng pagtatalo ang mag-asawa na humantong sa pananakal hanggang sa mapatay ng suspek ang kanyang misis.

Nakapiit na si Leonides na nahaharap ngayon sa kasong parricide.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page