Mga taga-showbiz, iba-iba ang trip… JULIA, TODO-TAGO SA PAGBUBUNTIS, ANGELICA PROUD NA PROUD NAMAN
- BULGAR

- Apr 11, 2019
- 1 min read

‘KALOKAH talaga ang showbiz!
Heto si Julia Montes na diumano’y buntis, pero pinakatatagu-tago naman. ‘Yung iba naman, hindi mabuntis-buntis pero proud sa mga anak nilang produkto ng siyensiya.
Si Angelica Panganiban however, hindi buntis pero ipinangangalandakang buntis siya dahil sa laki ng tiyan niya sa isang picture niya habang naka-two-piece at nakaupo sa surfing board while she’s in Boracay.
Sinakyan lang naman ni Angge ‘yung isang nang-bash sa kanya sa social media at nagsabing malaki ang tiyan niya. Kesa nga naman patulan pa niya ito at magpaka-nega, ‘di ba?





Comments