Buhok, pina-ash blonde… SIGAW NG NETIZENS: JESSY, GAYA-GAYA LANG SA MGA HOLLYWOOD CELEBS

Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

Photo : @senorita_jessy
AGAW-ATENSIYON ang bagong hairstyle ng aktres na si Jessy Mendiola kung saan ginawa niyang light ash blonde shade ang kanyang short hair na talagang bumagay naman sa kanya dahil sa mestiza niyang kutis.
Pinuri rin ng mga kapwa niya celebrities ang bago niyang buhok at siyempre, ng kanyang sweetheart na si Luis Manzano, kung saan sinabi ng TV host na “Lucky” siya dahil kasintahan niya ang magandang aktres.
Pero, hindi pa rin natitigil ang mga bashers sa pagbanat sa aktres kahit na wala naman itong ginagawa sa kanila.
Marami kasing netizens na sinasabing kaya raw nagpa-blonde ang aktres dahil ginagaya niya ang hairdo ng mga sikat na Hollywood actresses/singers kagaya ni Lady Gaga.
Nananawagan tuloy ang mga bashers na ibalik na lang ni Jessy sa dati ang ayos ng kanyang buhok at tigilan na ang panggagaya.
Matapang itong sinagot ni Jessy at sinabing, “My hair, my rules.”
Marami rin ang nagkukumpara sa mga litrato na ipino-post ni Jessy sa social media account niya at sa mga stolen videos/photos na lumalabas sa online world kung saan makikita raw ang pagkakaiba ng hitsura ng aktres.
Kung very fresh daw siya sa mga posts niya sa social media accounts, mukhang haggard naman ito sa totoong buhay.
Bukod sa kanyang hairdo, pinansin din ng mga netizens ang timbang ni Jessy at sinabing hindi naman daw siya ganu’n kapayat kagaya ng mga litratong ipino-post niya online.
May ilan pang ginawa itong biro at sinabing “Reality vs expectation.”
Narito ang ilang comment ng mga netizens:
“Hala bakit sa IG ang fresh fresh ni Jessy pero dito parang haggard ang aura niya. I like her pa naman. Siguro pressured siya sa expectations ng mga tao sa paligid. Haay”
“Very true. Tapos sa IG sobrang nipis din niya, pero dito, ‘di naman.”
“It’s not her own IG kasi that’s why no photoshop or filter. ‘Yan pala real face niya if sa iba ang photos.”
“Anyare sa fes ni Jessy? Nag-make up ba siya sa dilim?”
“Iba talaga face ni Jessy sa ig compared sa actual photos. ‘Di niya na-edit pics niya dito. Lol.”
“Bloated ba si Jessy?!!!”
“Nyare sa fezlak ni Jessy? Nag 1-minute make-up challenge ba siya at ganyan kinalabasan?”





Comments