AFP, binigyan ng PCSO ng Php85-M
Bulgarific
HELLO, Bulgarians! Kamakailan lamang ay ipinagkaloob na ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang tseke na nagkakahalagang Php85,946,975.00 sa Armed Forces of the Philippines (AFP) na tinanggap ni Deputy Chief of Staff for Communications, Electronics and Information System Service Rear Admiral Jande S. Francisco. Ang turnover na ito ay pinangunahan nina Chairman at OIC-General Manager Anselmo Simeon P. Pinili, Charity Assistance Department OIC-Manager Muriel G. Pajarillo, Assistant General Manager for Charity Dr. Larry R. Cedro, AFP Deputy Chief of Staff for Personnel Major General Erickson R. Gloria at Surgeon General Colonel Felix T. Terencio.
Ito ay kasama sa programa ng PCSO ng funding assistance sa AFP/PNP Health Facilities Capability-Building Project na “Raising Military and PNP Hospitals to DOH Standard on Equipment” mula sa programang Medical Equipment Donation.
◘◘◘
Matapos maisaayos ang BDO Unibank, planong mas pagbutihin pang lalo ang kanilang mga electronic banking service tulad ng ATM, mobile at online banking. Kaya naman ngayong Mahal na Araw ay magkakaroon ng ikalawang system upgrade.
Dahil dito, ang mga sumusunod na serbisyo ay pansamantalang hindi magagamit mula 8:00 pm ngayong Abril 19 (Biyernes Santo) hanggang 12:00 nn ngayong Abril 20 (Sabado de Gloria):
ATMs
Mobile at Online Banking
Debit at Cash Card transactions
Samantala, ang mga branch ng BDO ay sarado mula ngayong Abril 18 (Huwebes Santo) hanggang Abril 21 (Linggo ng Pagkabuhay). Magbabalik ang kanilang regular na operasyon ngayong Abril 22.
Ang nasabing improvement ay makatutulong sa BDO upang maisulong ang mas pinagandang serbisyo sa mga kliyente at makapagbigay ng banking convenience sa mas marami pang Pilipino.
♥♥♥
Mga katsika, abangan n’yo ang mga picture natin sa Instagram, i-follow n’yo ako -@missbulgarific o i-like ang aking Facebook page –https://www.facebook.com/Missbulgarific
♥♥♥
For event invitations, please, email bulgarific@gmail.com or message me on my Facebook page.
Got to go! It’s so Bulgarific!
xoxo





Comments