SAN JUAN AT DAVAO OCCIDENTAL MAGHAHARAP SA MPBL C’SHIPS


NAPIGILAN ng San Juan ang Manila sa dalawang field goals sa 3rd period upang mapunta sa kanila ang momento at masungkit ang 85-74 na panalo sa ikatlo at deciding game ng kanilang MPBL Datu Cup northern division finals sa FilOil Flying V Centre sa San Juan City.
Double time ang ginawang depensa ng Knights at hindi na pinaporma ang kanilang karibal. Ang pinaka-naging biktima ay sina Riel Cervantes at Chris Bitoon, ang dalawang maaasahan na players ng Stars na kinabog nang husto sa krusyal na laro ng serye.
Makaraang ibigay ang laro bilang clutch performer sa huling dalawang panalong team. Lumamig ang laro ni Cervantes. Nagmintis siya sa kanyang limang tangka at natapos sa laro na walang iskor. Nahirapan din si Bitoon para sa Manila side dahil sa 3-for-9 lamang angnagawa sa field. Nabalanse naman ng San Juan angkanilang depensa. Naging malakas ang laro ni Orlan Wamar at Mac Cardona nang makuha ng San Juan ang north division championship tungo sa kanilang nakatakdang engkuwentro sa Davao Occidental Tigers-Cocolife para sa best-of-five National Finals.
Si Wamar, na off bench guard ay tumapos na may 19 puntos para sa Knights habang si Cardona na dati ring PBA players ay nagpakawala ng 18 marka. Sa Almendras Gym sa Davao City, pinatalsik ng Tigers ng Davao Occidental ang Batangas City Ahtletics- Tanduay, 66-51 at titiyakin na sila ang magiging bagong MPBL titlist ng season. Limang krusyal na puntos ang iniambag ni Eman Calo sa 4th period at bitbitin ang Davao sa southern division championship. (MC)





Comments