top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

OFWs sa Libya, ingat!

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 10, 2019
1 min read

TUMITINDI ang tensiyon sa North African country.

Kaugnay nito, nagre-ready na ang ating gobyerno sa pagbibigay ng tulong sa mga kababayan nating naiipit sa gulo.

Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE), inihahanda na nila ang pag-iimplementa ng deployment ban at pag-repatriate sa mga OFW sa Libya.

Tinitiyak ng ahensiya na handa na sila sakaling makatanggap ng ulat mula sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Kasabay nito ang pakikipag-ugnayan sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA) oras na ipatupad ang nasabing total deployment ban.

Paliwanag ng kagawaran, ang pagdedeklara ng Alert Level 3 ay nangangahulugan ng boluntaryong repatriation sa mga OFW sa naturang bansa kung saan puwedeng tulungan ang sinumang OFW na gustong umuwi ng Pilipinas.

Mayroon umanong libreng airline ticket, tulong pangkabuhayan at pinansiyal.

Kapag nag-Alert Level 4, ipatutupad naman ang forced evacuation.

Pakiusap sa ating mga kababayan, huwag nang magpapilit, mas mainam nang ligtas kaysa makipagsapalaran.

Umaasa naman tayong matatapos na ang kaguluhan sa Libya at sa iba pang panig ng mundo.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page