Malay ko ni: Frias


Malay ko ba kung gusto mo ako?
Hindi nagpaparamdam, hindi nagsasabi
akala ko tuloy ay wala kang pakialam.
Sa puso kong ikaw ang isinisigaw.
Malay ko kung lolokohin mo lang ako?
Sa pagtagal ng panahon kilala kang
babaero,
mga babaeng minahal mo, sa huli’y iniwanan
mo rin ng luhaan.
Paano ako makasisiguro niyan?
Malay ko kung totoong mahal mo ako?
Paano patutunayan kung takot na akong sumugal?
Ayaw ko ng magmahal sapagkat wala pa akong nakikitang tumatagal na masaya kahit kailan.
Ang puso ko’y gusto ng makawala sa sakit na iniwan ng mga taong aking minahal.
Hindi na ako magdaramdam, basta hindi mo hahayaang ang kutob kong ito ay hanggang malay lang.
Magandang araw, mga bes! ‘Wag nang magpahuli sa trend at i-share na ang inyong #Hugot at i-confess mo na, bes ang matagal mo nang gustong aminin sa bagong column ng BULGAR na WHAT’S IN, KA-BULGAR? Ito na ang perfect timing para ma-publish ang laman ng inyong damdamin kaya mag-send na ng personal message sa aming official Facebook page – www.facebook.com/BULGAR.OFFICIAL. Hihintayin namin ang PM n’yo, mga bes, hindi ‘yung puro kayo na lang ang naghihintay sa wala. Char!





Comments