Kelot tepok sa falls
Pabs Hernandez III
Apr 10, 2019
1 min read
MISAMIS ORIENTAL—Isang binata ang namatay nang mahulog habang nagse-selfie, kamakalawa sa Kilome Falls sa Bgy. Aposkahoy, Claveria sa lalawigang ito.
Ang biktima ay nakilalang si Marjun Jabagat, residente ng Bgy. Malagana sa nasabing bayan.
Ayon sa mga saksi, nawalan ng balanse si Jabagat habang nagse-selfie kaya nahulog ito sa falls.
Nabatid na dinala pa ng mga residente si Jabagat sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.





Comments