Kahit alam na may GF na ang aktor… ANDREA, TANGGAP NG FANS PARA KAY DEREK

Nitz Miralles / BIDA

NAPAPANOOD na sina Derek Ramsay at Andrea Torres sa station plug ng mga new shows ng GMA-7 at “sizzling hot” ang description ng mga netizens sa litrato at sa summer plug ng network sa mga bagong shows nila, kasama ang pagtatambalan ng dalawa na The Better Woman.
Ipinost nina Derek at Andrea sa kani-kanyang Instagram (IG) account ang same picture at sa comment ni Andrea na “Hi there stranger,” ang sagot ni Derek, “Stranger? Naku kailangan na ituloy ang workshop.”
Ang daming nag-comment sa sexy photo nina Derek at Andrea kabilang si Solenn Heussaff na nagsabing, “Sexy naman these two!!!”
Ang daming kinikilig at nagsi-ship na kina Derek at Andrea and in fairness, nag-i-excuse naman sila sa GF ni Derek.
Sa side ni Andrea, walang magseselos dahil wala siyang boyfriend ngayon at pati nga ang bakasyon sa Maldives sa Holy Week, ang ina ang kasama niya.
Nag-storycon na ang The Better Woman at kasama sa cast sina Jaclyn Jose at Ina Feleo. Si Mark dela Cruz ang director ng sexy drama.
Samantala, ang post ni Derek kaugnay ng pagpirma niya ng kontrata sa GMA Network, “The past few days have been crazy. Thank you to all of you for your messages of support, thank you to GMA for the warm welcome and thank you to my family for always being there for me in everything that I do. I’m so happy for this blessing and I wanna share this happiness with all of you.”





Comments