Alamin mula kay Señor... kaalaman tungkol sa pagsasakripisyo ni Kristo
- BULGAR

- Apr 10, 2019
- 2 min read
Bigyang-daan natin ngayon kung ano ang sakripisyong ginawa ni Kristo para sa mga tao.
Sa pagpapatuloy ng ating talakayan tungkol sa pagliligtas ni Kristo sa mga tao at sa kanyang pagpasan sa krus ng kaligtasan, hindi maiiwasang mabanggit ang mayamang negosyante na ang pangalan ay Simon Cireneo.
Sa kabila na si Simon ay walang ginawa kundi ang maghangad ng yaman at samantalahin ang kahinaan at kagipitan ng mga tao dahil siya ay kabilang sa mga may pautangan na kung tawagin ngayon ay 5-6, nagpakababa siya at kusa niyang pinasan ang krus ni Kristo.
Sikat na sikat noon hanggang ngayon ang “the footprints in the sand” na ang gustong ipahiwatig ay ang pagpasan ni Kristo sa mga problema ng tao.
Sana, sa tuwing maririnig natin ang “the footprints in the sand ay maaalala rin natin na ang ating kapwa ay may bahagi sa pagliligtas ni Jesus Christ sa sanlibutan.
Hindi naman natin puwedeng ibalik ang orasyon ng panahon, kumbaga, napako na si Kristo, kaya hindi na muli Siyang ipapako sa krus dahil pinasan na Niya ang krus ng kaligtasan.
Pero, sa pamamagitan ng paggawa natin ng kabutihan at kabanalan sa ating kapwa ay natulungan na rin natin si Kristo na patuloy na pinapasan ang mga pinagdaraanan at kasalanan ng mga tao. Kaya ang kanyang kabilin-bilinan ay muli, painumin ninyo ang mga nauuhaw, pakainin ang mga nagugutom, kumutan ang mga giniginaw at tulungan ang mga ngangailangan.
Ito ang bubuhay sa mga banal at makapangyarihang orasyon, gayundin, ito ang magbibigay ng garantiya na ang bawat panalangin o dasal ay pakikinggan ng nasa itaas kahit na ano pa ang ating mga pagkakamali sa buhay.
◘◘◘
“De Sanat Sanationis Est Deus De Languorem”, ito ang dasal para gumaling ang anumang karamdaman o sakit na iniinda ng tao.




Comments