top of page

4,316 arestado sa pagkakalat sa kalye

  • Gina Pleñago
  • Apr 10, 2019
  • 1 min read

NAHULI ng mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang nasa 4,316 violators dahil sa paglabag sa anti-littering na nagkakalat ng mga balat ng candy, cigarette butt, papel at mga plastic.

Isa ito sa nagiging problema sa tuwing tag-ulan dahil nakadaragdag sa pagbabara ng daluyan ng tubig dahilan ng pagbaha.

Ayon sa ulat ng MMDA Health, Public Safety and Environmental Police Office (HPSEPO), nasa 965 litterbugs ang nahuli noong Enero, 1,053 noong Pebrero at 2,298 noong Marso.

Napag-alamang nasa 1,487 violators ang naka-settled para sa administrative fine na nagkakahalagang P500.00, habang 32 offenders ang nagsagawa naman ng eight-hour community service.

Nagbabala si MMDA Chairman Danilo Lim sa publiko na huwag magkalat sa mga kalye dahil naka-monitor sa kanila ang ahensiya para hulihin ang mga gumagawa nito.

“We are calling on the public to refrain from littering in the streets. Remember that garbage, no matter how small or big it is, end up in the drainage that contributes to flooding. Proper garbage disposal is everyone’s responsibility,” ani Lim.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page