top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Todo-displey ng malaking tiyan… ANGELICA, TINANONG KUNG BUNTIS, UMAMIN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 9, 2019
  • 1 min read

Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

MUKHANG enjoy na enjoy talaga ni Angelica Panganiban ang kanyang bakasyon sa Boracay kung saan inilarawan pa niya itong “toxic-free”.

Makikita sa sunud-sunod na Instagram posts ni Angge (palayaw ng aktres) kung gaano niya na-enjoy ang bagong bukas na beach kung saan naka­sama niya sa bakasyon ang kanyang mga co-stars sa Banana Sundae.

Pero, hindi nakalusot ang isang retrato ng aktres sa mapanghusgang mata ng mga netizens. Makikita sa retrato ni Angelica na nakaupo siya sa surfing board na nilagyan niya ng caption na: “‘Yung dahan-dahan dumadaloy ‘yung tubig dagat sa mga daliri mo habang may alon. Mahangin. Malamig. Maalat. Nararamdaman mo ba? Maligayang panahon ng tag-init Pinas.”

Marami kasing netizens ang naka­pansin na tila may ‘baby bump’ daw ang aktres at may isa pang nag-comment ng, “Congrats, Ma’am @iamangelicap. Ilang buwan na po ‘yan? Mga one or two months na po ba?”

Game na game naman itong sinagot ni Angelica at sinabing, “Eight months po. Palabas na next month. :)”

Dahil dito, maraming netizens ang nagtanggol sa aktres at sinabing ganu’n lang daw talaga ang tiyan niya dahil hindi siya kagaya ng ibang artista na nagparetoke at todo-kung magpapayat.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page