PITOGO SUMMER COLOR RUN SA MAKATI, ABANGAN
- Eddie M. Paez Jr.
- Apr 9, 2019
- 1 min read

Photo: runrio
TUTULAK sa kauna-unahang pagkakataon ang “color run” na tinaguriang 2019 Pitogo Summer Road Run sa mga lansangan ng Pitogo sa Lungsod ng Makati ngayong Mayo 5, Linggo, ganap na 5:30 ng umaga.
Ang karera na may habang 2.5 kilometro ay tatahak sa mapanghamong race course na tinatampukan ng mga paahon at palusong na lansangan ng naturang lugar.
Mga pasadyang tropeo ang naghihintay sa pinakamabilis na kalahok sa men’s at women’s division samantalang mga medalya naman ang iuuwi ng iba pang mapapabilang sa podium.
Lahat ng mga makakakumpleto ng karerang inoorganisa ng Pitogo Fitness Club (PFC) at EMPJR Events Management ay may tatanggaping finisher’s certificate.
Ang event, na nagsisilbi ring isang benefit run para sa Holy Cross Chapel at ng PFC, na sinusuportahan din ng Barangay Pitogo Chairman at Council, ay bukas pa sa mga nais sumali.
Halagang P300 ang registration fee at kasama na rito ang isang singlet at race bib.





Comments