PACMAN, TULAD NI FLOYD, LUMAGDA RIN SA RIZIN JAPAN
- MC/Alvin Olivar
- Apr 9, 2019
- 1 min read

Photo: @nobu_sakakibara
PUMIRMA rin si Filipino multiple world boxing champion Manny Pacquiao ng isang kontrata sa Rizin, ang Japanese mixed martial arts organisation na siyang nagdala sa exhibition fight ni Floyd Mayweather sa Tokyo noong Bisperas ng Bagong Taon, ayon kay CEO Nobuyuki Sakakibara sa ulat ni Jack Tarrant na lumabas sa ABS-CBN sports.
Nagpaskil si Sakakibara ng mga larawan sa Twitter ng 40-anyos na si Pacman na lumalagda ng kontrata.
“I’m here in the Philippines,” ani Sakakibara. “RIZIN. 15 will have this man involved in a way. We will be ready to announce as I get back to Japan!”
Hindi na niya niliwanag kung ano ang kapasidad ni Pacman sa involvement nito sa event na nakaiskedyul sa Abril 21.
Ang huling laban ni Pacman ay isang unanimous decision victory kontra American Adrien Broner noong Enero.
Si Mayweather, na tinalo si Pacman noong 2015 bout, ay muling nagbalik boksing kahit ilang beses nang sinabi na retirado na siya at talunin ang kickboxer na si Tenshin Nasukawa sa isang exhibition match sa main event ng Rizin na isang prestihiyosong New year’s eve show.





Comments