Nakuha sa dating game ng It's Showtime... WOWIE AT BAGONG BABAENG NON-SHOWBIZ, NAGKAKAMABUTIHAN
- BULGAR

- Apr 9, 2019
- 1 min read

LAST March 27 sa Kapare-Who segment ng episode ng It’s Showtime, maraming nasorpresa sa aktor na si Wowie de Guzman nu’ng sumali siya sa nasabing ‘dating game’ ng noontime show.
Under the code name ‘Senuzumba Kita’, Wowie was able to capture the heart of seeker ‘PoseCat Doll’, who ultimately picked him over two contenders as her dating companion.
Sa kanyang vlog entry a little over a week since he took on the match-making game, Wowie let fans in on their date by sharing highlights of their bonding time at the famous amusement center Upside Down Museum in Pasay City, courtesy of It’s Showtime.
“Pasensiya na, ngayon ko lang na-upload,” aniya sa panahong sumali siya sa contest at napiling ka-date ni PoseCat Doll na Janiz ang tunay na pangalan.
Promise pa ni Janiz, lagi siyang makikita sa vlog ni Wowie dahil inimbitahan siya ng dating Universal Motion Dancers sa kanyang mga gigs.
Dahil parehong single ang status nina Wowie at Janiz (na siyang requirement ng show), mukhang magtutuluy-tuloy sa isang magandang relasyon ang pagkikilala ng dalawa.
In fairness, maganda ang katawan ni Wowie ngayon at mukhang wala pa siya sa 40’s. Si Janiz nama’y hawig kay Ate Girl Jackque sa It’s Showtime.
Nag-start ang career ni Wowie bilang isa sa members ng Universal Motion Dancers, hanggang sa nagkaroon ito ng pagkakataon na makapareha at makalabtim si Judy Ann Santos noon.
Hindi malaman ang sanhi kung bakit nag-withdraw si Wowie sa showbiz





Comments