top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Kaya raw nagpagupit ng buhok… KALAT NA: GABBI AT KHALIL, BREAK NA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 9, 2019
  • 1 min read

LABIS naming ipinagtataka kung bakit bigla-biglang nagpaigsi ng buhok ang Kapuso star na si Gabbi Garcia. Asset pa naman niya ang kanyang makapal at mahabang buhok. ‘Yun nga ang isang factor kaya siya nakuhang endorser ng isang brand ng shampoo. Mapapakinabangan pa sana niya nang husto ang kanyang mahabang buhok.

Katwiran ni Gabbi sa isang interview, gusto naman niya ng new look, for a change. Kailangan daw na hindi iisang hitsura lang ang makikita sa kanya ng publiko dahil artista siya at may bago siyang endorsement kaya dapat ibang Gabbi na rin ang makita.

Well, hindi naman kumbinsido ang marami sa alibi ng Kapuso young actress sa pagpapaputol ng buhok. Maaari raw na problemado ito sa kanyang love life, kaya napagdiskitahan ang kanyang buhok. Tulad din daw noon ni Julie Anne San Jose na nang makipag-break kay Benjamin Alves ay nagpaikli agad ng buhok.

Kaya nag-aabang ang mga fans ni Gabbi kung break na ba sila ng BF niyang si Khalil Ramos?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page