top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

HOROSCOPE | ABRIL 9, 2019 (Martes)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 9, 2019
  • 2 min read

SA MAY KAARAWAN NGAYONG ABRIL 9, 2019 (Martes): Malala­king tagumpay ang nag-aabang sa landas ng iyong buhay na tinatahak, kaya ang payo sa iyo ay mag­pa­tuloy ka sa paglalakad at hindi ka dapat sumuko.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Tapang at lakas ng loob ang kaila­ngan mo para mapabilang ka sa mga nagtatagum­pay sa kanilang mga lara­ngang pinili. Ito ang men­sahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-8-18-20-23-27-33.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Dumi­kit ka sa ma­hihilig sa ne­gosyo nang sa gayun ay marami kang matutu­nan at lumakas ang loob mo para masimulan mo na rin ang matagal mo ng binabalak na negosyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-11-14-28-39-40.

GEMINI (May 21- June 20) - Hindi mo maiiwa­sang kumi­los nang kumilos at ang payo para sa iyo habang kumikilos ka, pagana­hin mo ang iyong isip nang sa gayun ay hindi ka magka­mali sa mga ikikilos mo ngayon. Masu­werteng ku­lay-blue. Tips sa lotto-19-20-29-30-33-35.

CANCER (June 21- July 22) - Huwag kang maghin­tay ng sen­ya­les mula sa langit. Ikaw ang hinihintay ng nasa itaas na kapag nagawa mo ang unang hakbang sa iyong pag-unlad, ikaw ay bebendisyunan. Masuwer­teng kulay-black. Tips sa lotto-7-10-16-21-23-37.

LEO (July 23-Aug. 22) - Inga­tan mong ma­kawala ang iyong kinikim­kim na galit. Matutulad ka sa bulkan na bumubuga ng apoy kung saan maa­aring mawasak ang iyong paligid. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masu­werteng kulay-violet. Tips sa lotto-9-14-18-20-24-26.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Itaga mo ang sandatang ha­wak mo, ito ang sandata nang mabilis na pagpapayaman. Sagutin mo ang tanong kung ano ang kabuluhan ng mata­lim na sandata kung hin­di ito gagamitin? Masu­werteng kulay-peach. Tips sa lotto-12-15-16-28-33-36.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Timbangin mo ang nangya­yari sa buhay mo. Kapag nakita mong wala ka namang napapala kundi pasakit at sakit ng ulo, gumawa ka ng paraan para matakasan mo ang ganitong kalagayan. Masu­werteng kulay-red. Tips sa lotto-1-14-15-22-24-43.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Masyado kang matagal kung mag­pasya na kahit na tama ang pasya mo ay maaaring mahuli na, kumbaga, hindi na kailangan ng damo kung patay na ang kabayo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-18-21-27-30-31-37.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Nagpapa­tuloy ang pag­ganda ng buhay mo. Samantalahin mo ito at huwag kang patata­ngay sa mga walang ku­wentang aktibidad kung saan magsasayang ka lang ng malaking halaga ng pera. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-18-19-23-38-40-46.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Biglaan ang paglakas ng loob mo. Hindi ito maganda dahil maaari itong matulad sa ningas-kugon na napaka­lakas ng liyab, pero bigla ring nawala. Ito ang men­sahe para sa iyo. Masuwer­teng kulay-green. Tips sa lotto-9-13-18-29-33-36.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi ka matatag nga­yon. Ang oo mo ay biglang magiging hindi at ang hindi mo ay biglang magiging oo. Umi­was ka sa sitwasyong ikaw ang magpapasya. Ito ang mensahe para sa iyo. Masu­werteng kulay-yellow. Tips sa lotto-16-19-21-25-28-41.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi masasa­yang ang ma­wawala sa iyo dahil madaragdagan ang mga karanasan mo at ang karanasan ay ang pina­ka­mahusay na guro. Ito ang mensahe ng iyong kapala­ran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-4-15-22-29-30-38.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page