top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

HOME FIBRS AT HD SPIKERS, TARGET ANG SEMIS SA PSL

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 9, 2019
2 min read

PAKAY ng PLDT Home Fibrs at Cignal HD Spikers na makasama ang Petron sa semifinals sa sandaling ma­kasagupa ang kani-kanilang karibal sa quarterfinals ng Philippine Superliga Grand Prix ngayon sa FilOil Flying V Centre.

Armado ng twice-to-beat edge, asam ng Power Hitters na makasampa sa semis at makaharap ang ma­panganib na Generika-Ayala ng 4 p.m. habang ang HD Spikers ay haharapin ang United VC ng 6 p.m. main encounter ng prestihiyosong women’s club league.

Na-sweep ng Petron ang classifications at naging top seed sa quarterfinals, nang agarang tigpasin ang Sta. Lucia at maging unang team sa best-of-three semifinal series.

Sa kabilang banda, ang main rival ng Blaze Spikers na F2 Logistics ay inalat nang dumanas ng masaklap na 5-set loss sa Foton Tornadoes sa quarterfinal. Ilalatag ng United VC ang bagong im­port na si Thai star Sutadta Chuewulim para makuha uli ang titulo.

Dumating si Chuewulim noong Linggo at nagpraktis na ito kahapon. Hindi lang ito ang unang laro ni Chue­wulim sa bansa, umaksiyon ito sa Cagayan Valley sa dating Shakey’s V-League bago sumalang na guest team sa EST Cola sa PSL Invita­tional Conference noong 2016.

May ibubuga rin ang HD Spikers. Kumpiyansa ang import ng Cignal na sina Erica Wilson at Anastasia Artemeva sa tulong ng local stars na sina Rachel Anne Daquis, Acy Masangkay, Mylene Paat at Janine Na­varro.

Ayon kay Cignal coach Edgar Barroga, gagawin nila ang lahat para manalo vs. United VC para sa twice-to-beat edge.

“I don’t want to focus on that (twice-to-beat advan­tage). We will play as if it’s a do-or-die match,” ani Bar­roga at kailangan daw na pigilan sina Alohi Robins-Hardy, Kalei Mau at import Yaasmeen Bedart-Ghani kung nais nilang umabanse. “It’s very important for us to take this match because if we allow them to force a decider it will be very difficult.”

Laro Ngayon: (FilOil Flying V Centre) 4:00 p.m. - PLDT vs Generika-Ayala: 6:00 p.m. — Cignal vs United VC. (VA)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page