top of page

'Di raw feel ng bunso ni Ate Vi… SIGAW NI RYAN CHRISTIAN: WALA 'KONG PAKI SA SHOWBIZ!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 9, 2019
  • 2 min read

Beth Gelena / BULGARY FILES

SA wake ng mother ni Ate Vi (Vilma Santos-Recto), marami sa mga kaibigan niyang entertainment writers ang nakiramay sa kanya.

Kahit windang na windang ang puso ng Star for All Seasons sa pagkawala ni Mommy Santos ay nagawa pa rin niyang makipagtsikahan sa mga manunulat.

Siyempre, hindi maiwasang kumustahin kay Ate Vi ang dalawa niyang anak na sina Ryan Christian at Luis Manzano.

Nasabi ng mga nakapaligid kay Ate Vi na baka mauna pa raw mag-asawa si Ryan Christian kesa kay Luis.

Imbes na sumagot, tinawag ng aktres-pulitiko ang kanyang bunso at pinaupo sa kanilang grupo.

Baka mauna ka pa raw anak na mag-asawa kesa sa Kuya Luis mo?”

Sagot ni Ryan, “Imposible.”

Aminado namang may girlfriend na ang youngest nina Ate Vi at Sen. Ralph Recto.

Sabi naman ni Ate Vi, no comment siya sa relasyon ng kan­yang anak at ayaw din naman daw niyang maging stage mother.

Muling tinanong ang bi­na­ta kung wala raw ba siyang hilig sa showbiz.

Ani Ryan, “I’m more on politics, never mind showbiz. I love music also.”

Mahilig daw kasi siyang kumanta.

About Luis naman, ayaw daw niyang i-pressure na magpakasal na ito at ang girlfriend na si Jessy Mendiola dahil sa gusto lang daw niyang magkaapo.

Sinabi raw niya sa TV host-actor kung handa na raw talaga itong mag-asawa ay irerespeto niya ang kagustuhan ng anak.

Samantala, alam ni Ate Vi na ikinakampanya siya ni Claudine Barretto. Nag-volunteer daw ang aktres na ikakampanya siya.

Natutuwa rin ang Star for All Seasons na nagka­ayos na si Clau at ang sister nitong si Gretchen.

Hinggil naman sa kanyang showbiz career, sinabi ni Ate Vi na looking forward siyang muling makatrabaho ang mahusay na director na si Joel Lamangan. Gandang-ganda raw kasi siya sa Rainbow Sunset na idinirek nito.

Kaya lang, hindi pa ako nakakakita ng project na gusto ko talagang gawin. Maraming offers, kaya lang, kailangan kasi, kung ang gagawin mo at talagang paglalaanan mo ng oras, dapat ‘yung proyektong gustung-gusto mo na,” ani Ate Vi.

 
 
 

Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page