Bebot na dehins kayang makipagsabayan sa mga mayayaman
- ROMA AMOR
- Apr 9, 2019
- 1 min read

Dear Roma,
Itago na lang ninyo ako sa pangalang Alegria, 18 years old at malapit nang tumuntong sa kolehiyo. Mababa lamang ang kinikita ng aking mga magulang, pero gusto nilang mag-aral ako sa sikat na unibersidad. Alam kong hindi namin kakayanin ang tuition fee at iba pang gastusin. Bukod pa ru’n, nagdadalawang-isip din akong mag-aral sa sikat na unibersidad dahil alam kong hindi ko kakayaning makipagsabayan sa mayayaman o mga angat sa buhay. Ilang ulit ko nang ipinaliwanag ito sa mga magulang ko, pero hindi sila nakikinig. Sinasabi pa nilang alam naman daw nilang kaya ko, pero paano kung hindi ko makayanan? Ano ang dapat kong gawin? — Alegria
Alegria,
Hindi mo maiaalis sa mga magulang mong mangarap na pag-aralin ka sa sikat na unibersidad, kung nakikita mo ang sitwasyon na nahihirapan ang mga magulang mo, maaari ka rin namang pumasok sa mga scholarship program o kung kaya mo naman, uso na rin ang tinatawag na “working students” basta huwag mong pababayaan ang pag-aaral mo. Hindi ka naman nagpunta sa unibersidad na ‘yun para makipagsabayan sa mayayaman. Isa pa, makahahanap ka rin du’n ng makakasundo at magiging kaibigan mo kung ano ang tunay na estado mo sa buhay. Maraming nangangarap mag-aral sa mga sikat na unibersidad, ngunit, hindi nakatatanggap ng anumang oportunidad. Isipin mong napakapalad mo na handa kang suportahan ng mga magulang mo kaya hanggang mayroon kang pagkakataon, i-grab mo na! Huwag mong isiping hindi mo kaya dahil kaya mo ‘yan, girl! Push mo na ‘yan ‘teh!





Comments