Bagong image ngayong si Kathryn na ang kasama… ALDEN, MAY TATTOO NA, MAY HIKAW PA!

Nitz Miralles / BIDA

IBANG Alden Richards ang mapapanood sa Star Cinema movie nila ni Kathryn Bernardo na sa Hong Kong ang shooting.
Sa pag-alis ni Alden pa-HK, nakita siyang may tattoo sa kaliwang braso at may hikaw sa kanang tenga. Para ‘yun sa gagampanan niyang character na hindi puwedeng sabihin.
Kaya sobrang na-challenged si Alden sa kanyang role at sa pelikula dahil hindi lang siya nag-aral ng Cantonese, dumaan pa siguro siya sa training para sa kanyang karakter.
Hindi pa rin inaahit ni Alden ang manipis niyang goatee at bigote. Kailangan din siguro ni Direk Cathy Garcia-Molina ang looks na ‘yun ni Alden.





Comments