1 day lang, naka-70 million views na… BLACKPINK MUSIC VIDEO, ITINAOB ANG SA BTS

ILANG araw nang nasa news ang BlackPink simula nang i-release nila ang music video sa YouTube ng latest single nilang Kill This Love noong midnight ng April 5.
Napakabilis kasi ng pag-akyat ng views nito at araw-araw ay may bagong record.
Noong April 6, at exactly 1:30 PM KST, mahigit 70 million na ang views ng MV. Ibig sabihin, na-achieve nila ito in approximately 1 day, 13 hours and 30 minutes.
Dahil dito, sinasabing ang Kill This Love ang fastest Korean group music video to reach the milestone. Ang BlackPink din ang may hawak ng huling record na nakaabot ng 70M views in five days at ito ay ang MV ng previous single nilang DDU-DU DDU-DU. Ibig lang sabihin nito ay na-break nila ang sarili nilang record.
Sa overall record naman, it was BTS’s Idol ang naka-reach ng benchmark at 2 days, 1 hour and 50 minutes. Now, with Kill This Love, nalampasan ito ng BLACKPINK kaya sila na ang may hawak ng bagong record na “fastest time to reach 70 million views for any artist’s MV on You Tube.”
Siyempre, nagbubunyi ang Blinks (tawag sa mga fans ng BLACKPINK) pero ayon naman sa ibang BTS fans, antayin na lang daw ang bagong music video ng kanilang idolo para ma-break ang record ng nasabing girl group.





Comments