Wildfire sa SoKor umabot na sa level 3
UMABOT sa level 3 ang nararanasang malawakang wildfire sa South Korea.
Batay sa ulat, nag-ugat ang sunog sa poste ng kuryente na nag-short circuit kung saan hindi namalayan ng mga awtoridad ang pangyayari dahilan para lumaki ang apoy hanggang sa tupukin nito ang mahigit 250 ektaryang lupain, kabilang ang daan-daang kabahayan.
Gayunman, isa ang kumpirmadong nasawi habang 11 ang nagtamo ng injury.
Hindi umano kinayang apulahin ng mga bumbero ang apoy dahilan para humingi ito ng tulong sa iba pang volunteers para maapula ang sunog.
Patuloy pa ring inililikas ang libu-libong residente na apektado ng malawakang sunog.
Matatandaang, nagdeklara na ang pamahalaan ng South Korea ng national disaster dahil sa nararanasang wildfire.





Comments