Suspek sa Mosque, bombing isasailalim sa mental health test
Jersey Sanchez
Apr 8, 2019
1 min read
PINAYUHAN ng korte na isailalim sa mental health test ang suspek sa pamamaril sa dalawang moske na ikinasawi ng 50 katao sa New Zealand.
Ayon kay Judge Cameron Mander, nais nilang malaman kung ang Australian na si Brenton Tarrant ay nasa tamang pag-iisip sa tuwing isinasagawa ang pagdinig sa kaso.
Gayunman, nahaharap sa 50 murder charges at 39 attempted murder charges ang suspek habang hindi ito pinayagan ng korte na magpasok ng guilty plea.





Comments