top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

SUMMER ROMANCE VS. CERVEZA ROSAS STAKES

Green Lantern
Apr 8, 2019
1 min read

RENDA at LATIGO

MAHIGPIT ang magiging labanan ng mga mana­nakbo sa 2019 PHILRACOM “4 Year Old & Above Local Stakes Race” sa darating na Linggo Abril 14 sa San Lazaro Leisure Park, Carmona, Cavite.

Mahigpit na maghaharap ang mga kalahok na Cerveza Rosas, Summer Romance, Hot and Spicy, Lakan, Salt and Pepper, Mandatum at Smoken Saturday.

Binibigyan ng bayang karerista ang labanan ng Summer Romance at Cerveza Rosas habang ang ibang kalahok na sina Salt and Pepper at Lakan ay kabilang sa mga mananakbo na may panalo habang ang Hot and Spicy at Smoken Saturday ang siyang may tsamba sa nakatakdang laban.

Tatawirin ng mga kalahok ang distansiyang 1,400 meters na may guaranteed prizes na P.5-M. Tatanggap ng P300,000 ang mananalo sa laban samantalang tatanggap ng P112,500 ang 2nd place, mag-uuwi ng P62,500 ang 3rd place at maghihintay ng P25,000 ang 4th place. Ang nasabing laban ay pinapaboran ang Summer Romance, Cerveza Rosas, Lakan at Salt and Pepper.

Samantala, naghahanda ang Santa Ana Park sa malaking pakarera sa darating na Abril 17 sa Naic, Cavite. Napipintong magharap ang 3 Year Old Local Fillies and Colts para sa nakatakdang pakarera ng Philippine Racing Commission (PHILRACOM) sa SAP.

Bukas sa mga kabayong 3-anyos na ang labanan sa PHILRACOM “3 YO Local Fillies and Colts.” Maka­tatanggap ng P600,000 ang tatanghaling kampeon habang mag-uuwi ng P225,000 ang 2nd place, makatatanggap ng P125,000 ang 3rd place at mag-uuwi ng P50,000 ang 4th placer.

Mag-uuwi ng P30,000 ang breeder na horse owner sa tatanghaling kampeon na kabayo. Ang nasabing laban ay bilang paghahanda sa mga kalahok sa nakatakdang 2019 Philracom 1stLeg Triple Crown sa susunod na buwan sa bansa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page