South Georgia at Sandwich Island, niyanig ng magnitude 6.5
Jersey Sanchez
Apr 8, 2019
1 min read
NIYANIG ng Magnitude 6.5 na lindol ang South Georgia at South Sandwich Island na British Territory sa Southern Atlantic Ocean.
Ayon sa United States Geological Survey (USGS), naganap ang pagyanig alas-4:14 ng hapon ng Biyernes (local time) habang naitala ang lalim nito na 58.4 kilometro.
Gayunman, walang naitalang nasawi at nasugatan at wala ring tsunami alert dahil sa pagyanig.





Comments