Sa kursong AB Political Science… YASMIEN, MAGNA CUM LAUDE!

Nitz Miralles / BIDA

Photo : @yasmien_kurdi
CONGRATULATIONS kay Yasmien Kurdi na nag-graduate na magna cum laude sa kursong AB Political Science sa Arellano University Manila. Sa ipinost na pictures ni Yasmien sa graduation ceremony na ginanap sa PICC, kasama nito ang asawang si Rey Soldevilla na nagsabing very proud siya sa kanyang “Pangga.”
Dedicated ni Yasmien sa kanyang pamilya, lalo na sa kanyang ina ang kanyang pagga-graduate.
“Salamat sa pamilya ko, asawa ko na si Rey sa pagmamahal, paggabay, pag-iintindi at inspirasyon na ibinibigay mo sa aking buhay. At sa anak ko na si Ayesha Zara, gusto ko lang talaga maging magandang halimbawa sa ‘yo anak. Mahal na mahal kita! Laging proud si Mama sa ‘yo. Sa aking ina, ang aking pinaka-unang guro... salamat sa pagpapalaki at pagsasakripisyo ng maraming bagay sa buhay mo para sa akin. Para sa ‘yo ito, Ma! Mahal kita!”
Ang daming nag-congratulate kay Yasmien na mga kasama sa showbiz at bilib sila dahil madalas isinasabay ni Yasmien sa kanyang showbiz career ang kanyang pag-aaral. Gaya ngayon, ginagawa niya ang Afternoon Prime na Hiram na Anak na mahaba ang oras sa taping at puyatan, pero nagawa niyang pagsabayin at magna cum laude pa siya.





Comments