top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Pagtaas ng monthly savings sa Pag-IBIG Fund, maaaring magsimula sa 2021

Thea Janica Teh
Apr 8, 2019
2 min read

Bulgarific

HELLO, Bulgarians! Isinaalang-alang ng Pag-IBIG Fund ang pagtaas ng monthly savings mula Php100 ay magiging Php200 sa mga miyembro nito na maaaring magsimula ngayong 2021. Ito ay sagot sa pagtaas ng demand sa low-interest housing at calamity loans ngunit, bago ito taasan, ay sisiguraduhin munang ikonsulta sa top executives para maayos ang benepisyong maibibigay sa mga miyembro.

Ibinahagi ni Secretary Eduardo D. del Rosario, Chairman of the Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC) at pag-IBIG Fund Board of Trustees na nakamit din ng Pag-IBIG Fund noong 2018 ang Php33.17 bilyong net income at dahil ito sa malaking demand ng loans.

Bukod pa rito, binanggit din ni Del Rosario sa katatapos lang na Pag-IBIG Fund Chairman’s Report na malaki ang tulong na naibibigay ng ahensiya sa gobyerno at nakilala ang Pag-IBIG Fund bilang single largest source ng housing loans sa bansa. Sa katunayan, halos Php75.31 bilyon sa housing loan ang nailabas nito noong 2018.

Ang Pag-IBIG Fund lamang ang pinakamababang magbigay ng interest rate pagdating sa housing at calamity loan. Mula pa noong 2016 ay doble na ang pagtaas ng housing loan at umabot sa 19.8%.

“Iniisip na rin namin ang pagtaas ng Php100 monthly savings ng mga miyembro para maipagpatuloy ang mababang interest rate at para mas marami pa ang makakuha ng housing loan ngunit, bago ito maaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ay ipopro­seso muna ito at tatagal ng halos 2-3 taon bago maipatupad. Kailangan din muna itong ikonsulta sa mga stakeholder bago ipanukala”, saad ni Del Rosario.

Mula noong 1986 ay nanatiling Php100 ang monthly savings ng mga miyembro nito. Sa loob ng 32 years ay nanatiling maganda at tumataas ng halos 10% kada taon ang net income ng Pag-IBIG Fund. Kaya naman, magbabago lang ang monthly savings ng mga miyembro kung bumaba sa target ng Pag-IBIG Fund.

Sa pagtaas ng monthly savings ng mga miyembro ay mapananatili ng Pag-IBIG Fund ang mababang housing at calamity loan interest rate.

♥♥♥

Mga katsika, abangan n’yo ang mga picture natin sa Instagram, i-follow n’yo ako -@missbulgarific o i-like ang aking Facebook page –https://www.facebook.com/Missbulgarific

♥♥♥

For event invitations, please, email bulgarific@gmail.com or message me on my Facebook page.

Got to go! It’s so Bulgarific!

xoxo

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page