top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Matapos ayawan ang role…. SIGAW NG MADLANG PIPOL KAY LIZA: ARTE MO NAMAN, DALIRI LANG ‘YAN!

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 8, 2019
2 min read

SA radio program nina Ogie Diaz at MJ Felipe sa DZMM na OMJ, sinabi ng co-manager ni Liza Soberano na may nakalaan nang proyekto para sa aktres pagkatapos nitong mag-withdraw sa Darna movie.

“Mayroon na kaming pitching for a teleserye, tapos another movie,” pag-aanunsiyo ni Ogie.

Dagdag pa ng comedian-talent manager, ang ganda ng movie na of course ay with Enrique Gil pa rin na ka-love team ni Liza.

“Ang ganda ng movie. Nu’ng iparinig sa amin ang istorya, na-excite sila ni Enrique,” sey pa ni Ogie.

Uunahin daw muna ang teleserye kaya for sure ay matutuwa na ang LizQuen fans na gusto na ulit silang mapanood sa TV after Bagani.

Hanggang ngayon ay pinag-uusapan pa ang pagba-back-out ni Liza sa Darna dahil sa injury sa daliri at may mga namba-bash pa nga raw, ayon kay Ogie.

May nagsasabi raw na “Arte mo naman, daliri lang ‘yan!”

Iminuwestra ni Ogie kung paano ang pilay ni Liza at talaga raw mahihi­rapan ito lalo pa nga’t sa pagsigaw ng “Darna” ay nakasara ang kamao nito na parang susuntok. Eh, hindi nga raw mai-bend ang daliri nito, so, paano nga naman ‘yun?

“Ano ba ‘yang Darna? Putol ba ang kamay ni Darna?” sey pa ni Ogie.

May katwiran naman talaga si Ogie dahil paano rin naman sa mga fight scenes ni Liza na kailangan niyang sumuntok?

May mga nagtatanong nga rin daw kung bakit hindi nila ipinakita ang injured finger, at sabi ni Ogie, “Kami ang nag-decide na hindi ipapakita ni Liza ‘yung kanyang kamay kasi baka gawan ng memes.”

Anyway, sa ngayon ay open na ang auditions para sa bagong Darna at so far, sa mga pangalan na lumitaw na choices ng mga netizens, nag-no na sina Kathryn Bernardo at Nadine Lustre base na rin sa panayam ni MJ Felipe.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page