top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

HOROSCOPE | ABRIL 8, 2019 (Lunes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 8, 2019
2 min read

SA MAY KAARAWAN NGAYONG ABRIL 8, 2019 (Lunes): Nakatutuwa ang iyong kapalaran dahil ang mga umaapi sa iyo ay ma­ngangailangan ng tulong mo dahil aangat ang bu­hay mo.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ituloy mo lang ang iyong pla­no. Maraming kokontra sa iyo, pero hu­wag kang mayayanig. Ti­nitiyak ng iyong kapala­ran na sila ay sama-sa­mang mapapahiya. Ito ang men­sahe para sa iyo. Masuwer­teng kulay-purple. Tips sa lotto-2-17-26-29-30-31.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Tinatalo ka ng pag-aalala, pero panan­dalian lang ito. Mabilis na ga­galaw ang kamay ng ora­san ng iyong kapalaran at ikaw ay makikitang binu­buwenas. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-7-18-24-27-34-45.

GEMINI (May 21- June 20) - Makipagsapa­laran ka at ma­nanalo ka. Pero, kahit hindi ka makipagsa­palaran, ang mga suwerte mo ay magdaratingan sa iyong harapan. Ito ang men­sa­he ng iyong kapalaran nga­­­­yon. Masuwerteng ku­lay-beige. Tips sa lotto-16-23-28-35-41-46.

CANCER (June 21- July 22) - Malakas ang hatak sa iyo ng pama­masyal sa tabin-dagat. Ang totoo, kailangan mong ma­basa ng tubig-dagat na isa sa kondisyon para mas lalo pang gumanda ang iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-11-18-20-27-41-44.

LEO (July 23-Aug. 22) - Wa­lang magan­dang mapa­pala ang taong ne­ga­tibo, pero ang mga po­sitibo ay aani ng mga posi­tibong pangyayari. Kaya saan ka pa? Eh, di sa huli. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-16-25-28-35-39.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Nakatutuwa na nakamamang­ha ang kapala­ran mo nga­yon dahil sina­sa­bing mag­suot ka ng luma sa loob ng bahay at ang mga masusuwerteng araw ay tiyak na magbabali­kan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-11-19-21-25-34-38.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Palawit ang pampasuwerte mo sa araw na ito. Para mapatunayan mo na ito ay sadyang to­too, bakit hindi mo subu­kang gawin? Masuwer­teng kulay-peach. Tips sa lotto-3-12-14-26-30-33.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Matigas na bagay ang pampasuwerte mo ngayon. Puwedeng ka­hoy, bakal o metal. Kaya dapat may paninindigan ka. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng ku­lay-red. Tips sa lotto-18-25-30-35-43-45.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Mapalad ka sa araw na ito kung ka­ilan napakataas ng bug­haw na langit na ang men­sahe para sa iyo ay kapag mas mataas ang iyong am­bisyon, mas maganda ang para sa iyo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-10-14-17-20-22-24.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Isabuhay mo ngayon ang mga aral na iti­nuro sa iyo ng matatan­da kahit pa sabihin ng iba na ikaw ay masyadong ma­kaluma. Sa ganito ka su­suwertehin nang todo-todo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-3-13-18-29-38-41.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nakatu­tuwa ang ka­palaran mo dahil sinasabing ang ihip ng hangin sa iyong kata­wan ay magreresulta ng maganda, masarap at ma­suwerteng buhay nga­yon. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-6-16-18-25-32-42.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Limitahan mo ang mga suot mong pande­ko­rasyon sa katawan. Sa ganitong paraan, magda­ragsaan sa iyo ang ma­gagandang kapalaran na ikatutuwa mo nang husto. Masuwerteng kulay-yel­low. Tips sa lotto-4-11-16-20-23-36.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page