BELL AT NIEMER, PETMALU SA BLAZE, SEMIFINALIST NA


IPINAKITA ng reigning champion Petron ang lakas nang idemolis ang Sta. Lucia Lady Realtors 25-17, 25-11, 25-19 sa quarterfinals ng Philippine Superliga Grand Prix kamakalawa sa FilOil Flying V Centre sa San Juan. Pinakamahusay na laro ang ipinamalas nina American imports Kath Bell at Stephanie Niemer upang iangat ang Blaze Spikers para sa ika-15 diretsong panalo tungo sa pagtuntong sa semifinals ng prestihiyosong women’s club league.
Haharapin ng Petron ang sinuman sa magwawagi sa pagitan ng Cignal HD at United VC sa best-of-three semifinal showdown simula sa susunod na linggo.
Nakapagdeliber si Bell ng 19 puntos at 17 digs habang si Niemer ay may 16 markers para sa Petron nakailangan lamang ng 79 minuto upang isara ang bakbakan na isinaere ng ESPN5 at 5Plus bilang broadcast partners. “We’re very happy that we’re now in the semis. But, of course, the road ahead will be a lot tougher,” ayon kay Petron coach Shaq Delos Santos, na nakatayang maging ikalawang coach na nawalis ang kabuuan ng conference tungo sa titulo. “Honestly, the (win-loss) record won’t matter anymore here in the semis, it’s a whole new battle for us and we have to prepare for whoever our opponent will be.”
Nakabakas si Casey Schoenlein ng 12 points para sa Sta. Lucia na natalos ang kampanya sa 2-13 win-loss slate.Samantala, binuhay pa ng Foton ang kanilang tsansa nang talunin ang F2 Logistics, 27-25, 19-25, 25-22, 16-25, 15-12 sa ikalawang laro.
Nagsanib-puwersa sina Jaja Santiago at import Courtney Felinski habang si Maika Ortiz ay ginamit ang pagkabeterano para sa two-time champion Tornadoes, na pumasok na sa quarterfinals bilang 7th seed at isang laro na lang ang kailangan nang gitlain ang Cargo Movers.
Ang Game 2 para sa isa pang quarterfinals encounter ay nakatakda sa Huwebes kung saan ang magwawagi ay haharap sa mananalo sa isa pang q’final battle ng PLDT Home Fibr at Generika-Ayala. “It’s a big win for us, especially coming off an 11-game losing streak and now we still have the chance for the semifinals,” ayon kay Foton coach Aaron Velez.
Tumapos si MJ Perez ng may 26 points habang si Lindsay Stalzer ay may 24 at si Ara Galang ay may 15 para sa Cargo Movers, na tinapos ang double-round preliminaries na may 11-3 win-loss mark. (MC)
Laro sa Martes: (FilOil Flying V Centre)
4:00 p.m. — PLDT vs Generika-Ayala
6:00 p.m. — Cignal vs United VC





Comments