top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Bebot na sinuway ang mga magulang para sa lalaking manloloko din naman

ROMA AMOR
Apr 8, 2019
1 min read

Dear Roma,

Ako si Norie, 19 years old. Nag-aaral ako sa isang unibersidad dito sa Maynila. Dahil sa pro­binsiya kami nakatira, minabuti ng mga ma­gulang ko na mag-dorm na lang ako. Sila ang nag­bibigay sa akin ng pam­bayad sa dorm, tuition fee at iba pang pangangaila­ngan ko. Isa lang ang hiling nila na huwag akong mag-boyfriend dahil sabi nila, abala lang daw ito sa aking pag-a­aral. Hanggang sa na­kilala ko si Alvin, naging masaya ang relasyon na­ming dalawa at lalo pa akong ginanahang mag-aral dahil sa kanya. Ina­lis ko na sa isip ko ang madalas na bilin sa akin nina mama at papa dahil paki­ramdam ko ay ser­yoso ang relasyon namin ni Alvin. Pero isang araw, nang sinubukan ko si­yang i-surprise sa birth­day niya, nahuli ko si­yang may kahalikang ibang babae. Nu’ng araw ding ‘yun, nalaman kong buntis na pala ako. Ano ang dapat kong ga­win? — Norie

Norie,

Hindi madaling ami­nin sa magulang ang katotohanan tungkol sa pagda­dalantao mo, pero hindi rin naman nila ma­gu­gustuhan kung itata­go mo ito sa kanila. Ma­la­la­man at malalaman din nila ito, kaya sa­bihin mo na hanggang maaga pa. Asahan mo na ang masasakit na salitang maririnig mo sa kanila, ngunit, unawain mo sila. May karapatan silang magalit o mainis sa ba­gay na ginawa mo. nandiyan na ‘yan, kaya ano pa ba ang maga­gawa nila, ‘di ba? Hindi ka­yang tiisin ng magu­lang ang anak, kaya naman ipakita mo sa kanila na buong puso mong pinag­sisisihan ang pagsuway mo sa kanila at huwag ka nang uulit pa. Kaya mo ‘yan at dapat mong kayanin para sa anak mo.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page