Sundalo tinepok ng riding-in-tandem
MAGUINDANAO — Isang sundalo ang namatay nang barilin ng riding-in-tandem, kamakalawa sa Bgy. Rebuken, Sultan Kudarat sa lalawigang ito.
Ang biktima ay nakilalang si Pfc. Ellemar Bayquin, nakatalaga sa 7th Infantry Battalion ng Philippine Army (PA) na nakabase sa nasabing lalawigan.
Ayon sa ulat, lulan ng kanyang motorsiklo si Bayquin nang dikitan ito ng dalawang hindi kilalang suspek na nakasakay din sa motorsiklo at agad pinagbabaril ang biktima.
Iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang motibo ng mga suspek sa pamamaslang sa biktima.





Comments