Negosyante dedo sa mga armado
- Pabs Hernandez III
- Apr 7, 2019
- 1 min read
CABANATUAN CITY— Isang negosyante ang namatay nang barilin ng mga hindi kilalang armadong salarin, kamakalawa sa Bgy. D.S. Garcia sa lungsod na ito.
Ang biktima ay kinilalang si Dennis Hernandez, nakatira sa Bgy. Kapitan Pepe sa nabanggit na lungsod.
Nabatid na lulan ng kanyang SUV si Hernandez nang sumulpot ang mga suspek at agad itong pinagbabaril na naging dahilan kaya napatay ang biktima.
Nagpalabas na ng manhunt operation ang mga awtoridad para madakip ang mga suspek.





Comments