top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

MANILA, SOLID SAN JUAN, BACOOR, FAVE SA M-LEAGUE

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 7, 2019
1 min read

TILA paborito ang Manila, Solid San Juan at ang bagong team na Bacoor kung saan marami sa dating pro-legue cagers ang makikitang aaksiyon ngayong Linggo kasama ang iba pang imports sa anim na team na maglalaban sa Metro League Reinforced (2nd) Conference opener sa San Juan Gym.

Magsisimula ang Solid San Juan sa main game ng 4 p.m. sa pag-host sa bisitang Pateros-Metro Asia sa pina­kaaabangang opening day ng torneo ng MMDA at PBA kung saan ang Barangay 143 ang league presentor. Bago iyan, masusubok ng Bacoor ang Pasigueño sa 1 p.m. na banatan kasunod ng banggaan sa pagitan ng Manila Stars at Caloocan Supremos ng 2:30 p.m.

Pinapayagan ng M-League ang bawat team na pumarada ng import sa conference upang magdagdag sa excitement ng fans sa 10-team competition upang makadiskubre pa ng grassroots basketball talents at i-promote ang sports sa National Capital Region at Mega Manila cities.

Mangunguna sa reinforcements ng San Juan sina Raymond Miller Jr., na naglaro mula sa California State Fullerton sa US NCAA.Mangunguna sina dating PBA players Joseph Yeo, Ronnie Matias at Carlo Lastimosa sa Stars kasama sina Lyceum standout Ian Alban at Moustapha Arafat bilang reinforcement.

Makasasagupa nila ang D-League stalwarts na sina Johnnel Rey Bauzon, Joseph Brutas at import Abdoulaye Niang ng Supremos. (MC/VA)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page