top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Liza, out! ANGEL VS. PIA BILANG DARNA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 7, 2019
  • 1 min read

Photo : @fb Mar Roxas

MABIGAT man ang loob at iniyakan ang ginawa niyang desisyon, umaasa si Liza Soberano na maiintindihan ng kanyang mga fans and supporters ang pagba-back out niya sa Dar­na movie dahil sa nabaling daliri niya.

Maraming action scenes sa Darna. Ayaw naman niyang sumubo sa isang ba­gay na hindi niya kakayanin physically.

Nagkaroon naman ng pag-asa ang mga fans nina Angel Locsin at Pia Wur­tzbach ngayong bakante at open na sa iba pang artista ang Darna role. Mas bagay daw kay Pia ang mag-Darna dahil matang­kad ito at maganda ang katawan.

Hirit naman ng ilang netizens, ibigay na lang ulit kay Angel ang Darna role, tutal ay siya naman ang orig na choice noon.

Marami naman ang nagsasabi na bagay din kina Nadine Lustre at Sarah Geronimo ang maging Darna. May nagsa-suggest na si Maja Salvador na lang ang ipalit kay Liza dahil may appeal at sanay din sa action scenes ang aktres.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page