Kelot tiklo sa droga at boga
Pabs Hernandez III
Apr 7, 2019
1 min read
MASBATE — Isang lalaki ang dinakip ng pulisya nang makumpiskahan ng droga at baril sa loob ng kanyang bahay, kamakalawa sa Bgy. Gilotongan, Cawayan sa lalawigang ito.
Kinilala ang suspek na si Joel Villaganas, residente sa nasabing barangay.
Nabatid na sinalakay ng mga awtoridad sa bisa ng search warrant na inisyu ng korte ang bahay ni Villaganas at dito nakumpiska ang sachet ng shabu, baril at mga bala.





Comments