Kasal, saka na raw… BARBIE AT JAK, MAGSASAMA SA JAPAN SA HOLY WEEK


NGAYONG darating na Holy Week, magbabakasyon sa Land of the Rising Sun (Japan) sina Barbie Forteza at Jak Roberto. Honeymoon na ba ito?
“Hindi po. Chaperone nila si Sanya (Lopez) na utol ni Jak,” sabi ng ermat ni BF na si Mommy Amy.
Sa true lang, malaki ang tiwala ng parents ni Barbs kay Jak. Kahit ‘di kasama si Sanya ay papayagan nila na mag-bonding ang mga bida ng sikat na rom-com/fantasy seryeng Kara Mia.
Malayung-malayo pa raw ang kasalan.
“Dapat kasi, maunang mag-asawa ang aking elder sister based in USA. Gusto ko munang maging maid of honor ni ate bago ako maging bride,” Barbie said.





Comments