top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

HOROSCOPE | ABRIL 7, 2019 (Linggo)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 7, 2019
  • 2 min read

SA MAY KAARAWAN NGAYONG ABRIL 7, 2019 (Linggo): Mayaman ang iyong imahinasyon, puwede kang yumaman ng dahil dito. Gamitin mo para sa kinabukasan ang iyong mayamang imahi­nasyon.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) – Pansamantala mong taka­san ang iyong mabibigat na problema. Kapag wala ka, kusang hihina ang mga ito at ikaw naman ay lalakas sa pag­babalik mo. Sa pa­ra­ang ito, matatalo mo na nang tuluyan ang mga prob­­lemang ito. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lot­to-4-14-16-30-33-38.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hindi masa­ma ang umat­ras kapag alam mong mapupunta ka sa mali. Pag-aralan mong mabuti kung ano ang ka­hihinatnan mo sa hina­harap. Umatras ka kapag magiging pangit ang bu­hay mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lot­to-19-29-30-34-38-41.

GEMINI (May 21- June 20) - Huwag kang mag-alala sa maraming tao na gustong mapalapit sa iyo. Mas marami sa kanila ang mapakikinabangan mo. May ilang hindi ma­ganda ang motibo, pero hindi naman sila ma­na­nalo laban sa iyo. Masu­wer­teng kulay-pink. Tips sa lotto-18-20-23-26-34-42.

CANCER (June 21- July 22) - Papala­kas ang mga suwerte mo, kahit ikaw mismo, mada­rama mo ito. Ngayon mo na simulan ang mga pro­yektong magpapaunlad sa iyong buhay. Ito ang men­sahe para sa iyo. Ma­su­werteng kulay-beige. Tips sa lotto-16-19-20-26-39-40.

LEO (July 23-Aug. 22) - Kung hindi hi­hinto ang mga kon­trabida sa bu­hay mo, pangit na kapala­ran ang matitikman nila at sa huli ay mauunawaan nila na ang kailangan pala ay ang maging mabait sila sa iyo. Masuwerteng ku­lay-blue. Tips sa lotto-15-17-21-25-28-45.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ikaw ang taga­hatol ngayon. Sa paghatol mo, dapat wala kang pa­panigan sa pagitan ng ka­butihan at kasamaan. Ito ang mensahe ng iyong ka­palaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-18-20-21-23-36.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Biglaan ang pagbabago ng iyong damda­min. Marami ang magsa­sabi na mali ka at mapapa­hamak ka, pero ang mang­yayari ay higit na magi­ging masarap ang buhay mo sa bago. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-9-12-17-24-25-34.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Manatili kang positibo kahit pa nag­pu­pumilit ang negatibo mong kaisipan na mang­himasok sa iyong buhay. Kapag naging matatag ka, maaaninag mo ang ma­gan­dang bukas para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-8-19-22-29-32-33.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi ka puwedeng mag­tagal sa mala­yong lugar dahil mapaba­bayaan mo ang magan­dang takbo ng iyong pi­nagkakakitaan. Ito ang mensahe ng iyong kapa­la­ran ngayon. Masuwer­teng kulay-red. Tips sa lotto-2-18-26-39-44-45.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hindi lang katawan mo ang luma­lakas dahil lumalakas din ang mga suwerte mo. Ito ang magiging kapalaran mo ngayong tag-init kung saan ang sikat ng Haring Araw ay tirik na tirik. Ma­suwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-7-16-24-26-35-43.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Parang hinihila ka ng iyong sarili na mamasyal kahit wala kang tiyak na pupunta­han. Ito ay senyales na ang mga suwerte mo ay dara­po sa iyo kapag nasa labas ka ng bahay. Masuwer­teng kulay-white. Tips sa lotto-9-12-27-30-31-37.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Masarap sa pakiramdam ang halik ng sariwang hangin sa iyong pisngi. Ito ay parang patak ng tubig sa mga sandaling ikaw ay nauuhaw. Ito rin ay nagsasabing susuwer­tehin ka ngayon. Masu­werteng kulay-green. Tips sa lotto-3-8-11-17-21-24.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page