BUGBOG ANG CAVS SA 40 NI CURRY CARUSO NG LAKERS, NANGGULAT


NAKABAWI uli si Stephen Curry mula sa kanyang matamlay na scoring game ng season at isa sa kanyang pinakamahusay na laro ay ang pagbomba ng game-high 40 points kahapon nang gulantangin ng Golden State Warriors ang Cleveland Cavaliers 120-114 sa Oakland, California sa isang rematch ng nakaraang apat na NBA finals.
Ang panalo ng Warriors (55-24) ay naging daan para sa pag-usad ng tropa sa top seeding ng Western Conference playoffs na magsisimula sa susunod na weekend.
Winalis ng Warriors ang Cavaliers, na dating pinamumunuan ni LeBron James, sa nakaraang season finals. Sa pag-sweep sa season series laban sa Cavaliers para sa second consecutive season, hindi bumitaw ang Warriors sa wire-to-wire lead hanggang sa 21-puntos na kalamangan sa 115-112 sa nalalabing 2:52 ng laro. May tsansa sana ang Cleveland na pumatas, pero sumablay sa 3-point attempt.
Samantala, sa iba pang laban, umiskor si Alex Caruso ng 32 points habang nagdagdag si Kentavious Caldwell-Pope ng 25 bagamat kulang sa tao ang Los Angeles Lakers ay nagawa pang magwagi sa 122-117 kontra sa playoff-bound Los Angeles Clippers.
Si Caruso, na may two-way contract sa Lakers at nito lamang Huwebes nagsimulang maglaro, nakagawa ng 5 of 7 mula sa 3-point range. May career highs in points at rebounds (10) at nagdagdag ng 5 assists. Nakagawa si Danilo Gallinari ng 27 points, nagdagdag si Shai Gilgeous-Alexander ng 20 para sa Clippers at natalo sa dalawang sunod. Nanatili ang Clippers sa No. 6 spot sa Western Conference, pero sa half game lamang na nangunguna sa 7th place na Oklahoma City Thunder sa natitirang dalawang laro.
Sa iba pang laro, nabalewala ang big game ni Blake Griffin sa Detroit Piston sa kabila ng nagawa nitong 45 points nang hindi sila makaporma sa Oklahoma City Thunder, 110-123. Sa pagbabalik ni Griffin makaraan ang tatlong games, ay ‘di na siya nakapunta ng game dahil sa pamamaga ng kaliwang tuhod. May nagawa siyang 44 points sa loob ng tatlong quarters. Binalikat naman ni Paul George ang Oklahoma para sa naibigay niyang 30 points. (MC/ATD)





Comments