Bagong SSS PCEO Ignacio, pinasalamatan si Pangulong Duterte
- Thea Janica Teh
- Apr 7, 2019
- 2 min read
Bulgarific
HELLO, Bulgarians! Kamakailan lamang ay pinasalamatan ni bagong Social Security System (SSS) President at Chief Executive Officer (PCEO) Aurora C. Ignacio si Pangulong Rodrigo Duterte para sa tiwalang ipinagkaloob sa kanya matapos siyang italaga noong ika-28 ng Marso para pamunuan ang operasyon ng pension fund.
Nagpapasalamat si Ignacio sa pagbigay sa kanya ng pagkakataon na pamunuan at makapagsilbi sa ilalim ng kanyang administrasyon. Dagdag pa ni Ignacio, asahan na prayoridad niya ang kapakanan ng mga miyembro at pensiyunado ng SSS.
Bilang bagong taga-pangulo ng SSS, siya ang magiging responsable sa pang-araw-araw na operasyon ng ahensiya habang tinatahak nito ang mas matatag na pension fund na magbibigay ng pangkalahatang proteksiyong-panlipunan sa mga Pilipinong manggagawa sa bansa at sa ibang bansa. Nilalayon ni Ignacio na mas pataasin ang kita ng SSS habang pinagbubuti pa ang paghahatid ng serbisyo para sa mga miyembro nito.
Bago pa maging SSS PCEO si Ignacio, naging kauna-unahang babaeng chairperson muna siya ng Social Security Commission (SSC), ang pinakamataas na policy-making body ng SSS noong 2018. Siya rin ay naging miyembro ng iba’t ibang komite ng SSC tulad ng Investment Oversight, Governance, Coverage and Collection, Media and Communications, Risk Management, Information Technology at Audit Committee. Naging kandidato rin siya sa ilang SSS investee corporations.
Dating nanungkulan si Ignacio bilang Assistant Secretary for Special Projects sa ilalim ng Office of the President of the Philippines at inatasang maging Focal Person for Anti-Illegal Drugs sa ilalim ng Presidential Directive No. 5. Kasabay nito, siya rin ay naging Principal Member ng Task Force on the Establishment of Rehabilitation and Treatment Centers for Drug Users, Guest Member ng Dangerous Drugs Board (DDB) at Council Member ng National Food Authority (NFA).
♥♥♥
Mga katsika, abangan n’yo ang mga picture natin sa Instagram, i-follow n’yo ako -@missbulgarific o i-like ang aking Facebook page –https://www.facebook.com/Missbulgarific
♥♥♥
For event invitations, please, email bulgarific@gmail.com or message me on my Facebook page.
Got to go! It’s so Bulgarific!
xoxo





Comments