Bagay ito sa mga beshy natin diyan na dehins umiinom ng kape... PAG-AMOY SA KAPE, KERING MAKA-ACTIVA
- BULGAR

- Apr 7, 2019
- 2 min read

MARAMI sa atin, partikular ang mga abalang tao ang araw-araw umiinom ng kape dahil sa paniniwalang ito ay nakatutulong sa kanila para magkaroon sila ng enerhiya nang sa gayun ay matapos ang kanilang mga gawain. Totoo naman ‘yun, pero, mga besh, knows ba ninyo na ang pagtingin lamang sa nasabing inumin ay may parehong epekto rin? Weh, ‘di nga?
Ayon sa mga eksperto, ang pagtingin sa kahit anong uri ng kape o ‘caffeine cue’ ay sapat na para ma-activate ang area ng utak na nagkokontrol sa pagiging alerto at gising ng indibidwal.
Para patunayan ito, nagsagawa ng pag-aaral ang mga researcher na pinangunahan ni Sam Maglio, assistant professor ng marketing sa University of Toronto.
Ayon kay Mr. Maglio, ang kape ay isa sa mga sikat na inumin sa buong mundo kung saan kilala ito dahil sa physical effects na naibibigay nito sa indibidwal. Ngunit, hindi umano alam ng karamihan ang psychological meaning nito na nagsasabing ang pagkakita o pagtingin lamang sa nasabing inumin ay mayroong impluwensiya sa paraan ng pag-iisip ng indibidwal.
Para isagawa ang pag-aaral, ang mga researcher ay lumikom ng mga kalahok mula sa US, Canada, Europe, China, Japan at Korea kung saan in-exposed ang mga ito sa coffee at tea cues.
Hinati sa dalawang grupo ang mga kalahok kung saan ang unang grupo ay in-exposed sa coffee cues habang ang ikalawang grupo ay in-exposed sa tea cues.
Matapos ma-exposed sa caffeine at tea cues, ang mga kalahok ay nakatapos sila ng cognitive tasks, gayundin na inirekord ng mga researcher ang kanilang heart rate.
Lumabas sa resulta na ang unang grupo o mga kalahok na exposed sa caffeine-related cues ay nakapag-isip nang mas kongkreto. Gayundin, mas mabilis umanong lumipas ang oras para sa unang grupo kumpara sa ikalawa. Ang ‘arousing effect’ umano ng kape ay nakatutulong sa indibidwal na makapag-focus sa kanyang gawain.
Wow, akalain mo ‘yun, hindi mo na kailangang magtimpla at uminom ng kape! Kaya sa mga bawal at hindi mahilig na magkape riyan, try n‘yo na ito at baka sakaling ganahan din kayong kumilos at tapusin ang mga trabaho ninyo kapag nakakita kayo ng kape. Amazing, ‘di ba? He-he-he!
Gets mo?





Comments